TUNGKOL SA AMIN

Kami ay isang grupo ng mga Pilipinong Physical Therapist mula sa iba't ibang panig ng bansa na gagabay sa inyo online o sa phone ninyo. Sa pagmamagitan ng mga ehersisyo, mga advice para sa mas mabuting paggalaw at postura, mapapabuti natin ang inyong kalagayan. Hindi dapat maging hadlang ang kakayanang pinansiyal para mapabuti ang inyong kalagayan. Narito po kami para sa inyo! Sa tulong ninyo, abutin natin ang rurok ng inyong kakayanan.

ANG AMING LOGO

Isang kinomisyong gawa ni Krisha Lei, isang artist na nakabase sa Zambales, ang aming logo ay kumakatawan sa lahat ng layunin ng aming organisasyon. Ang bahay kubo sa gitna ay kumakakahulugan sa aming "patient-centered approach". Ang lahat ng simbolong ginamit ay may kahulugan din.

BAHAY KUBO

Bawat tahanang Pilipino ay kayang makatanggap ng PT.

Maaari na ring manatili sa sariling bayan ang mga PT dahil 

aalagaan ang mga ito sa lahat ng aspeto ng pag-unlad.

TUKTOK NG BUBONG

 Abutin natin ang rurok ng inyong kakayanan!

Kk_Logo-Transparent.png

KULAY BERDE

Kailangan nating makiisa sa kalikasan at

payabungin ating mga likas na katangian

DALAWANG  DULO

NG BUBONG

Ang PT at pasyente ay

magtutulungan sa pag-abot

sa rurok ng inyong kakayanan.

PAHIGANG LINYA

Anumang antas ng lipunan - maykaya o wala ay mapapaglingkuran

PATAYONG LINYA

Bilang bahagi ng iba'ng tribo at 

pamilya, madalas tayong watak-

watak. Nais naming baguhin ito.          

BUKAS NA PINTUAN

Para maabot ang inyong potensiyal, bahagi kayo ng pagdedesisyon. Ang mga  PT ay hindi 

pipiliting manatili kung mangingibang-bansa. 

LAPAT NA SAHIG

Pantay na oportunidad para sa lahat

BAYANIHANDS

Pagkakaisa ng Luzon, Visayas at

Mindanao sa pagbabayanihan

KAWAYAN

Katatagan sa anumang kinakaharap

INTEGRIDAD    PAGTUTULUNGAN   PAGKABIHASA

Ito ang aming tatlong "Core Values"